Inday Inday Lyrics

by Salbakuta

Salbakuta Inday Inday Lyrics

Intro: Dm-Gm-Dm-A7-Dm-A7-
Wala akong pake kung ako'y pagtawanan
Sinusunod ko lang aking nararamdaman
Ako daw kasi para nang nahihibang
Who cares kung ikaw ay isang tsimay lang
Di ko kahihiya na ikaw ay mahalin
Ano man sabihin ng iba di ko pinapansin
Mahal kasi kita at yan ang totoo
Mukha mo pata-tatto ko sa aking braso
Mga pangako ko sa 'yo ay hindi mapapako
Pansinin mo lang aking pagsusumamo
Pero ang lahat bigla na lang nabalam
Ng ikaw sa akin biglang nagpaalam
Na babalik ka na sa mahal mong pamilya
Sinusundo ka na ng mahal mong asawa
Kaya pala di mo 'ko pwedeng mahalin
Na sa akin ay kaibigan lang ang iyong tingin
Inday Inday nasaan ka
Ba't ako ay iyong iniwan
Dito ka sa aking puso na lamang
At ako ay habang buhay samahan
Sadyang tadhana natin talagang mapaglaro
Gumulo aking mundo nang tayo'y magtagpo
Di ko ginusto na ikaw ay mahalin
Pero sa puso kong ito pangalan mo nakatanim
Nakatingin sa kawala ang tanaw ay ikaw
Pakingan mo aking dibdib ikaw ang sinisigaw
Tanging larawan mo ang kaya kong iguhit
Dito sa damdamin ko ikaw ang nakaukit
Sa isang iglap ang lahat biglang nagbago
Ng iyong ipagtapat kung ano ang totoo
Na sa nilisan mong lugar meron palang nag-iintay
Pina-ibig mo ko dito para di ka malumbay
Masakit sa 'kin ito ang hirap tangapin
Ang tuluyan kang bitawan dapat kong gawin
Iisipin ko na lang pangarap kang di natupad
Mahal pa rin kita kahit pag-ibig mo'y huwad
(Repeat Chorus 2x)
Simpleng girl ang gusto ko
Kahit sales lady ka pa ika'y mamahalin ko
Araw gabi I'm dreaming of you
Alam mo ba 'day I'm so in love with you
Just like Florante at Laura, gumaganda aking aura
Kapag ikaw Inday ang aking kasama
I will treat you like a queen and I'm your king
Give me a chance to prove it, I'll give you everything
Kahit sales lady you're in beneath my wings
Iingatan kita na parang lord of the rings
Sa puso ko para kang sensei
I got nothing to say pag ika'y naging fiance
Ang pag-ibig ko sa 'yo ay always hotter
Para bang magic ni Harry Potter
Inday Inday lalala lala
Wish ko sana ika'y maging asawa
(Repeat Chorus 3x, fade)

All lyrics are property and copyright of their respective owners. Lyrics provided for educational purposes only.