Yakap Lyrics
by Siakol
Intro:
Buong araw lulubog lilitaw
Tanda ko pa n'ung huli kang matanaw
Hanggang maglaho ka sa 'king paningin
Mula noon paligid ko'y nagdilim
Gusto ko nang hilahin ang panahon
Nakakasawa na kasi ang kahapon
Kaya ayoko nang maulit ito
Sana ngayon na ang pagbabalik mo
Refrain:
Nilalanggam na ang tsokolate
Kupas na ang lonta kong nabili
May sapot na ang aking kukote
Sabay nanggigil ko sa'yo
Chorus:
Dahil lagi kang naglalaro sa utak ko
Dahil lagi kong nalalanghap ang iyong bango
Lalo't mag isa, umuulan at malamig ang hangin
Dahil lagi kong hinahanap-hanap ang init ng iyong yakap
Ilang gabi-gabi ako ginaw na ginaw
Walang silbi ang mainit na sabaw
Kailangan ko ay ang mga yakap mo
Ikaw ang kulang sa'king paraiso
Bakit kay bagal-bagal ng orasan
Paghihintay ay 'di ko na makayanan
Nasasabik na sa 'yong pagbalik
At sa yakap mong nakakaadik
Ang init ng yakap mo.... (3x)
All lyrics are property and copyright of their respective owners. Lyrics provided for educational purposes only.