Sige Lang Lyrics
by Quest
Chords By: naguenyong vinx
Intro: B E
(Oh oh oh... oh oh oh...)
Yeah, simula na naman
(Oh oh oh... oh oh oh...)
Magandang umaga kaibigan
Heto na naman tayo, bagong simula
Huminga ng malalim, alisin ang kaba
Tapos na ang kahapon, pwede na yang itapon
Huwag lang ang mga aral dapat yan ay ibaon
Katulong mo sa panibagong hamon
May paparating na bagong alon
Pwede kang lamunin o pwede mong sabayan
Yung aral ng kahapon, pwede ka n'yang gabayan
Kung ako sa 'yo tumayo ka na d'yan
Huwag ka nang magpahuli, kami ay sundan
Patungo sa liwanag, abutin ang tala
Pagkatapos pakita sa mundo, pusong nagbabaga
Upang lahat ay mamulat, sa aking susulat
Parinig sa lahat ang aking iuulat
E break
Huwag ka nang mabahala, ako ang bahala
Kasangga natin si Bathala
Walang imposible, sige lang ng sige
Abot mo ang mundo,
Malapit o malayo, sama-sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok, hindi susuko
Alam kong kaya mo
Sige lang sige, sige lang sige
Walang imposible
(Oh oh oh... oh oh oh...)
Nagniningning
Ang pangarap ng iyong pusong
Humihiling
Na kalimutan ang kahapon
Sana'y dinggin
Sigaw ng aking puso
Hindi susuko, hindi susuko
Ilabas ang yong pangarap
Huwag mo 'yang itatago
Samahan mo ng sipag at tatag ng puso
Tumayo ko sa 'yong silya
Ikaw ngayon ang bida
Wala nang pipigil pa, eto na, eto na
(Repeat Chorus except last word)
... imposible
Hanggat ako'y humihinga
Sugod lang laban pa
Pangarap abutin
Kumislap tulad ng mga bituin
Sige lang, di ka nag-iisa
Sige lang, sige pa
(Oh oh oh... oh oh oh...)
(Repeat Chorus except last word)
...imposible, yeah...
Sama-sama tayo dito
Sige lang, sige lang
Ooh sige lang, sige lang
(Walang imposible, sige lang ng sige)
Sige lang, sige
(Malapit o malayo, sama-sama tayo)
Sige lang, sige
(Ano man ang pagsubok, hindi susuko)
Sige lang, sige
(Sige lang sige, sige lang sige)
F# B hold
Walang imposible
All lyrics are property and copyright of their respective owners. Lyrics provided for educational purposes only.